How to go to BGC- A Commute Guide and FREE Attractions
- Mar 16
- 1 min read
A Step-By-Step Commute Guide from Alabang to Market! Market!

Good news Southies! Ang BGC ay isang sakay lang from Alabang! Kung may plano ka pumunta sa BGC for leisure, food trip, or work easy na ang pag commute!
How to go to BGC from Alabang
1. Pumunta ng Vista Terminal Exchange (VTX) or dating Starmall Alabang

2. Kumuha ng TRIPKO card (if wala ka pang TRIPKO card). Pumunta lang sa Ticketing booth. Maghanda ng P100. Mayroon na itong 40 load. Makukuha mo ang additional na 60 load after mo i-register ang TRIPKO card mo.
Tip: Mag load ng at least 20 load kung hindi mo pa ireregister ang TRIPKO card mo para may enough na load ang card dahil ang pamasahe ay ₱57.

3. Hanapin at sumakay sa HM Transport bus na may biyaheng Market! Market!
4. I-TAP ang TRIPKO card. Hindi mo na kailangan maghintay ng sukli dahil ma-store ang sukli mo sa iyong TRIPKO card. Ganyan maging #WaisNaCommuter
5. Pagdating sa Market! Market! ay pwede mo na lakarin ang mga FREE attractions!
What to do in BGC na FREE Attractions
Giant 3D LED Billboard
📍5th Avenue, BGC High Street.
May dalawang giant 3D LED billboards dito kung saan makikita mo kakaibang digital animations.

BGC Portal
📍5th Avenue, BGC High Street
Ang BGC Portal ang isa sa mga pinakabagong attractions sa BGC kung saan may live footage from different countries.

BGC Parks
📍BGC High Street
Parks in the city? Meron yan dito sa BGC!

Gentle Monster
📍Shangri-La The Fort
Makakakita ka ng giant display at iba pang kakaibang art display!

Panuorin ang full vlog: https://www.facebook.com/share/v/173kVAsFHg/

.png)



Comments