DIY Commute Guide to Bukal Falls, Majayjay, Laguna 🌿
- chrisdelrosario
- Aug 22
- 2 min read
Updated: Sep 2
A Step-by-Step Travel Guide from Metro Manila to Bukal Falls

Introduction to Bukal Falls
Bago tayo bumiyahe, kilalanin muna natin ang Bukal Falls.
Ang Bukal Falls ay matatagpuan sa pagitan ng Majayjay at Liliw, Laguna. Dahil dito, ang Bukal Falls ay kilala din sa ngalang Kilangin Falls ng mga taga Liliw, Laguna. Nag-iiba ang pangalan nito depende sa hike na tatahakin mo. Kung ang hike mo ay mula sa Majayjay, Laguna, ito ay Bukal Falls. At kung mula sa Liliw, Laguna, ito ay Kilangin Falls.
Preparing for the Journey
Umpisahan na natin ang ating commute mula sa Metro Manila!
Sumakay ng bus ng DLTB mula sa Cubao o Buendia na may biyaheng Sta. Cruz, Laguna. Ang pamasahe ay P212 mula sa Cubao. Tumatanggap ang DLTB ng cashless payment gamit ang TRIPKO card. Dahil 3-4 oras ang biyahe, mas mabuti na gumamit ng TRIPKO card. Makakaiwas ka sa abala ng paghihintay ng sukli.
Pagdating sa DLTB Sta. Cruz terminal, inirerekomenda na mamili ng pagkain at iba pang kailangan dito.
Sumakay ng tricycle mula sa terminal ng DLTB. May mga nakaabang na tricycle. Sabihan lang ang driver na ibaba kayo sa terminal ng jeep papuntang Majayjay. Ang pamasahe ay P60. TIP: Huwag agad pumayag sa presyong ibibigay ng driver – tawaran niyo ito.
Ibababa kayo sa Public Market kung saan nakaparada ang mga jeep. Sumakay sa jeep na may signage na Majayjay. Sabihin na ibaba kayo sa Deposito.
Pagdating sa Deposito, sumakay ng tricycle papuntang Brgy. Hall. Ang pamasahe para sa special trip ay P50. Kung may kasama ka, magiging P30 each ito.
Sa Brgy. Hall, kailangang kumuha ng tour guide. Ang bayad ay P300 per group of five. Entrance fee na P30 per head at P30 per head for life jacket. Hindi optional ang life jacket.
Matapos ang mga bayarin, kailangan sumakay ng tricycle papunta sa jump off site. Pwedeng pag-antayin ang tricycle na sinakyan paakyat sa Brgy. Hall. Kailangan ulit magbayad ng P50 para sa special ride at P30 per head kung may kasama.
The Hike to Bukal Falls
Pagdating sa jump off site, kailangan mag-hike ng 10 – 15 minutes. Ang ibang parte ng trail ay sementado at patag. Gayunpaman, hindi rin masasabi na madali ang trail dahil may mga parte itong paakyat at pababa. Pero sabi nga nila, difficult roads lead to beautiful destinations.
That’s true enough dahil kapag nakita mo ng personal ang unang level ng falls, kitang-kita ang asul na tubig nito. Onting akyat pa at makikita mo na ang Bukal o Kilangin Falls.
Talagang nakaka-pawi ng pagod kapag nakita mo ang falls. Just like other falls sa Laguna, ubod ng lamig ang tubig dito pero refreshing!
Conclusion
Ang pagbisita sa Bukal Falls ay isang magandang karanasan. Mula sa biyahe hanggang sa hike, bawat hakbang ay puno ng saya at excitement. Huwag kalimutan na dalhin ang iyong camera para makuha ang mga magagandang tanawin.
Panoorin ang full vlog: https://vt.tiktok.com/ZSArqTceN/
Note: Make sure to check the weather and prepare accordingly before your trip. Enjoy your adventure!

.png)



Comments